Thursday, August 8, 2013

'MAKABAYANG BANSA'


                                Sa bansang pilipinas ngayon, hindi na natin minamahal ang ating bansa at ang ating wika. kaunti na lamang ang gumagalang sa matatanda at ang mga nakagawian nating paniniwala ay unti-unti ng lumubog sa lupa at nakalimutan na.
                  Ang mga pilipino ay hindi na gumagalang sa bansa, sa kalikasan. sinusuway na natin ang mga batas at parang wala na tayong kinatatakutan. hindi na natatakot ang mga tao dahil wala namang nabibigyan ng parusa .
                   Hindi dapat natin sayangin ang mga ginawang kabayanihan ng ating mga bayani , dahil ibinuwis nila ang buhay nila para sa bansa natin ay makalaya sa mga nanakop sa atin .
                    Sana ang pamamahala ng ating presidente ay magbago dahil hindi magbabago ang mga pilipino kung walang kinatatakutan . kung nagpapatupad ang presidente ng mga batas na susundin  ng mga tao siguradong magiging mapayapa ang pilipinas , kaya kung may gusto akong mabago sa bansa ay ang pagiging makabayan ng mga pilino .

Friday, August 2, 2013

SURING BASA

ni DEOGRACIAS A. ROSARIO

    

PAGKILALA SA MAY AKDA


         Ang may akda ng 'WALANG PANGINOON' ay si Deogracias A. Rosario napinanganak noong 17 oktubre 1894 sa Tondo, Maynila. si Deogracias A. Rosario ay Ama ng maiikling kwentong tagalog sa bansa. Sumulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino . Isa ng maununulat sa gulang 13, una siyang nagsulat para sa 'ANG MITHI' , isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong ng husto sa pag unlad ng Maikling kwentong tagalog.

TAUHAN SA KWENTO





MARCOS- Ang pangunahing tauhan sa kwento. siya ay bilugan dahil noong una ay nagtitimpi pa siya sakangyang nararamdaman ngunit sa gitna ay hindi niya na ito napigilan  at siya ay gumanti na kay don Teong .noong una ay mabait si marcos , nang malaon siya ay naging masama. Napilitan siyang maghiganti dahil sa binigay na taning ni don Teong 30 araw palugit para sa lisaninnila na bukid.

INA NI MARCOS- (walang pangalang sa kwento)siya ay lapad dahil mula sa umpisa siya ay maunawain at maaalalahanin.

DON TEONG- Ang sakim na kumamkam ng lupain nila marcos . siya ay lapad dahil simula umpisa pa lamang ay sakim na siya, hanggang sa dulo ay hindi nagbago ang ugali niya .

ANITA- Kasintahan ni Marcos , na anak ni don Teong.

BUOD

   
         Ang kwento ay nagsimula sa tunog ng animas , na ayaw na ayaw ni Marcos , sapagkat ang tunog na ito ay naaalala niya ang malulungkot na pangyayari sa buhay ni Marcos. bilang pagbabalik tanaw, naalala niya ang kung paano naging mahirap ang buhay nila sa pamamahal ni dn Teong at sa pagkamkam nito sa natitira nilang pangkabuahayan gayundin ang pagmamahalan nila ni anita na anak ni don teong at kung paano iro naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga. Ang lahat ng itoy naging gantong sa poot na nararamdaman ni Marcos na nag-udyok na rin upang mabuo ang plano ng binata na patayin so don Teong. isang hapon, umalis si marcos suot ang pangkaraniwang suot ng don. Sa di malamang dahilan ay hinataw niya ng hinataw ang kanyang kalabaw , sa puntong humiyaw na ito sa sobrang sakit at hapdi . kinabukasan , nalaman ng buong bayan ang malagim na nangyari kay don teong ,na sinuwag ng kalabaw ni Marcos, hanggang sa magkalasog lasog ang katawan nito.

       

ARAL





                         Ang aral sa kwentong Walang Panginoon ay huwag maging masyadong gahaman sa pera , dahil ito ang mag dadala sayo sa kapahamakan . wag ka ding maging mapagsarili dahil hindi mo alam nakakasakit ka na ng ibang tao, pati na ang mga mahal mo sa buhay na hindi mo pinansin dahil puro sarili mo lamang ang iniisip mo. walang mang-aapi kung walang nagpapa-api , dahil kung magiging matapang ka at hindi ka mag papa-api ay walang mang aapi sayo at kahit alam mong mayaman ka ,kaya mo nang kontrolin ang lahat ng tao at nasasakupan mo.