Sa bansang pilipinas ngayon, hindi na natin minamahal ang ating bansa at ang ating wika. kaunti na lamang ang gumagalang sa matatanda at ang mga nakagawian nating paniniwala ay unti-unti ng lumubog sa lupa at nakalimutan na.
Ang mga pilipino ay hindi na gumagalang sa bansa, sa kalikasan. sinusuway na natin ang mga batas at parang wala na tayong kinatatakutan. hindi na natatakot ang mga tao dahil wala namang nabibigyan ng parusa .
Hindi dapat natin sayangin ang mga ginawang kabayanihan ng ating mga bayani , dahil ibinuwis nila ang buhay nila para sa bansa natin ay makalaya sa mga nanakop sa atin .
Sana ang pamamahala ng ating presidente ay magbago dahil hindi magbabago ang mga pilipino kung walang kinatatakutan . kung nagpapatupad ang presidente ng mga batas na susundin ng mga tao siguradong magiging mapayapa ang pilipinas , kaya kung may gusto akong mabago sa bansa ay ang pagiging makabayan ng mga pilino .