Thursday, August 8, 2013

'MAKABAYANG BANSA'


                                Sa bansang pilipinas ngayon, hindi na natin minamahal ang ating bansa at ang ating wika. kaunti na lamang ang gumagalang sa matatanda at ang mga nakagawian nating paniniwala ay unti-unti ng lumubog sa lupa at nakalimutan na.
                  Ang mga pilipino ay hindi na gumagalang sa bansa, sa kalikasan. sinusuway na natin ang mga batas at parang wala na tayong kinatatakutan. hindi na natatakot ang mga tao dahil wala namang nabibigyan ng parusa .
                   Hindi dapat natin sayangin ang mga ginawang kabayanihan ng ating mga bayani , dahil ibinuwis nila ang buhay nila para sa bansa natin ay makalaya sa mga nanakop sa atin .
                    Sana ang pamamahala ng ating presidente ay magbago dahil hindi magbabago ang mga pilipino kung walang kinatatakutan . kung nagpapatupad ang presidente ng mga batas na susundin  ng mga tao siguradong magiging mapayapa ang pilipinas , kaya kung may gusto akong mabago sa bansa ay ang pagiging makabayan ng mga pilino .

Friday, August 2, 2013

SURING BASA

ni DEOGRACIAS A. ROSARIO

    

PAGKILALA SA MAY AKDA


         Ang may akda ng 'WALANG PANGINOON' ay si Deogracias A. Rosario napinanganak noong 17 oktubre 1894 sa Tondo, Maynila. si Deogracias A. Rosario ay Ama ng maiikling kwentong tagalog sa bansa. Sumulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino . Isa ng maununulat sa gulang 13, una siyang nagsulat para sa 'ANG MITHI' , isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong ng husto sa pag unlad ng Maikling kwentong tagalog.

TAUHAN SA KWENTO





MARCOS- Ang pangunahing tauhan sa kwento. siya ay bilugan dahil noong una ay nagtitimpi pa siya sakangyang nararamdaman ngunit sa gitna ay hindi niya na ito napigilan  at siya ay gumanti na kay don Teong .noong una ay mabait si marcos , nang malaon siya ay naging masama. Napilitan siyang maghiganti dahil sa binigay na taning ni don Teong 30 araw palugit para sa lisaninnila na bukid.

INA NI MARCOS- (walang pangalang sa kwento)siya ay lapad dahil mula sa umpisa siya ay maunawain at maaalalahanin.

DON TEONG- Ang sakim na kumamkam ng lupain nila marcos . siya ay lapad dahil simula umpisa pa lamang ay sakim na siya, hanggang sa dulo ay hindi nagbago ang ugali niya .

ANITA- Kasintahan ni Marcos , na anak ni don Teong.

BUOD

   
         Ang kwento ay nagsimula sa tunog ng animas , na ayaw na ayaw ni Marcos , sapagkat ang tunog na ito ay naaalala niya ang malulungkot na pangyayari sa buhay ni Marcos. bilang pagbabalik tanaw, naalala niya ang kung paano naging mahirap ang buhay nila sa pamamahal ni dn Teong at sa pagkamkam nito sa natitira nilang pangkabuahayan gayundin ang pagmamahalan nila ni anita na anak ni don teong at kung paano iro naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga. Ang lahat ng itoy naging gantong sa poot na nararamdaman ni Marcos na nag-udyok na rin upang mabuo ang plano ng binata na patayin so don Teong. isang hapon, umalis si marcos suot ang pangkaraniwang suot ng don. Sa di malamang dahilan ay hinataw niya ng hinataw ang kanyang kalabaw , sa puntong humiyaw na ito sa sobrang sakit at hapdi . kinabukasan , nalaman ng buong bayan ang malagim na nangyari kay don teong ,na sinuwag ng kalabaw ni Marcos, hanggang sa magkalasog lasog ang katawan nito.

       

ARAL





                         Ang aral sa kwentong Walang Panginoon ay huwag maging masyadong gahaman sa pera , dahil ito ang mag dadala sayo sa kapahamakan . wag ka ding maging mapagsarili dahil hindi mo alam nakakasakit ka na ng ibang tao, pati na ang mga mahal mo sa buhay na hindi mo pinansin dahil puro sarili mo lamang ang iniisip mo. walang mang-aapi kung walang nagpapa-api , dahil kung magiging matapang ka at hindi ka mag papa-api ay walang mang aapi sayo at kahit alam mong mayaman ka ,kaya mo nang kontrolin ang lahat ng tao at nasasakupan mo.

Sunday, June 30, 2013

    Sa ating mga pilipino ngayon, hindi na mawawala ang mga paniniwala natin sa iba't-ibang pamahiin. ito ay namana na natin sa ating mga ninuno. lahat naman tayo ay may pinaniniwalaan kahit ako o tayong lhat ay may pinaniniwalaan , sinasabi nga nila , hindi naman masamang maniwala at wala din naman masama kung tayo ay maniniwala nasa atin na itong mga pilipino. 
    Marami tayong pamahiin na pinaniniwalaan , pero kagaya nga ng  kadalasang sinasabi palagi sa akin ng lola ko na tuwing umaga ' Umagang-umaga nakapangalumbaba ka ', hindi ko talaga alam ang ibig sabihin nun pero ang sabi ng lola ko magiging malas daw ang araw ko at umagang-umaga sinisimulan ko ang araw ko sa katamaran.kahit medyo ko pinaniniwalaan ito sinusunod ko pa din dahil wala namang mawawala .
    Hindi ko man sinasadyang mangalumbaba , nagagawa ko na lamang ito ng hindi ko namamalayan. ndi naman ibig sabihin nito ay tamad ka na agad . siguro nga ay may iba-iba tayong pamahiin at siguro din naman may pinaniniwalaan tayo. Siguro naimpluwensyahan na din tayo ng ating mga ninuno, at isa itong magandang pamana para narin tayo ay may kinakakatakutan . hindi masamang maninawla sumunod ka lang sa agos ng buhay at walang mawawala. 

Sunday, June 16, 2013

PAGTAAS NG EKONOMIYA ?! KATOTOHANAN O KALOKOHAN ?

  Sa kalagayan ng bansa natin ngayon, ramdam nga ba natin ang pagtaas ng ekonomiya ? ayon sa balita , ang ekonomiya daw natin ngayon ay tumaas ng kaunti kaysa sa mga nakaraang taon. isa nga ba itong magandang balita para sa ating mga pilipino o isa itong malakaing kalokohan .
     Sa mga balita ngayon, tumaas na daw ang GNP(Gross National Poduct) ng apat na porsyento,nagmura na ang mga bilihin at mas dumarami na tayong inaangkat sa asya , kahit na sa iba't ibang parte ng mundo. Ngunit hindi ito sapat para maramdaman natin ito, dahil kung patuloy parin ang gobyerno sa pangungurakot ng kaban ng bayan , kaya hindi matigil tigil ang mga pagmamahal ng iba't ibang produkto kahit na sinasabing tumaas ang ito .
     Ang GDP(Gross Domestic Product) naman ay tumaas din ng 7.8 ayon sa balita . isa itong magandang balita lalo na sa mga ofw na pilipino na nag tratrabaho sa ibang bansa . dahil na din dito mas magiging mataas ang halaga , dahil nag aangkat tayo ng mga produktong kailangan ng ibang bansa .
     Para sa ating mga pilipino , parang hindi natin ramdam ang pagtaas ng ekonomiya sa pamumuno ng ating presidenteng si Pnoy dahil wala paring nagiging aksyon sa mga lugar na binabaha , mga paaralang sira sira at walang kakayahang ipa ayos ito kaya nagiging dahilan ng mga batang may kaalamanan ukol sa nangyayari sa bansa . Nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng bayan at alam dapat natin ang mga nangyayari ukol sa ating bansa.
    


Monday, June 10, 2013

' LANGOY '














 WUUUUUUSSSSSHHHHHHH !!!!!!
( Wohhh !! Hahaha !!! )
    Yan ang mga tawanang kumiliti sa aking mga munting tenga na para bang ngayon ko lang ito narinig , masayang masaya ang mga batang nakikita ko , kahit saan ako lumingon ay parang mga mumunting ngiti na nakakapag pasaya sa akin sa araw na iyon .
     Tandang-tanda ko pa nung unang marinig ko ang mga tinig na ito . nung unang marinig ko ang tunog na ito, alam ko ng magiging masaya ako sa araw na iyon dahil narin kasama ko ang mga magulang ko .
     Maraming mga bata ang nakikita ko na may mga ngiti sa kanilang mga munting mga mukha na para bang wala ng bukas at silay masayang masaya sa pagtatampisaw sa malilit lamang na swimming pool . at dahil narin masyado na kong malaki para sa maliliit na pool , kaya mas pinili kong sumama sa mga pinsan ko na maligo sa mas malalim na pool .kaya mas na hamon ako lalo na't tinuturuan akong lumangoy sa malalim na pool, para rin naman sakin iyon dahil matututo akong iligtas ang sarili ko .kahit ako ay kinakabahan, pinilit ko ang sarili ko na kailangan kong kayanin .
      Nang sinubukan kong tumalon , dahil narin hinamin ako ng aking mga pinsan . kahit na alam kong maaari akong mapahamakay ginawa ko pa din . tumibok ng mabilis ang puso ko at biglang! WUUUSSHH !!! .......... hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakaya ko . dito ko unang sinubukan ang sarili ko na tumalon sa malalim na pool at mag LANGOY .